“Mas malambing kasi kapag ‘Nanay’ at ‘Tatay’.”

Yan yung sinabi niya dati sa amin. Yung mga pinsan ko kasi, tawag sa mga magulang nila, ‘mama’ at ‘papa’. Or, ‘daddy’ at ‘mommy’.

Hihihihi. Me and my Tatay. Of course, bata pa ako niyan. Ang close namin no? Those photos made me realize we were closer when I was still a kid, o sadyang may pang develop pa kami ng pictures niyan. Analog cams pa kasi nun at may pambili si Nanay ng films. Haha!

Anyway, birthday niya ngayon. Uhm, ayoko na bilangin gaano na siya katagal namatay. Maybe it’s because I just don’t wanna know or remember how long it has been that he’s not with us anymore. Tama ba construct ng sentence? Sorry, di pa ako nakakatulog. Kauuwi ko lang mula sa shift. Guess it’s better that way. When someone asks, dun ako magbibilang kung ilang taon na. CHAROT. AYOKO lang talaga magbilang. Mahina ako sa Math! Haha!

He died when I was in 2nd year high school. Mag fo-4th year college na ako. Meaning … (bilang kahit walang nagtatanong. For presentation purposes) 5 years na. Mag si-6 years na. Malamang di ba? Alangang magse-7 eh ano ba kasunod ng 5? 

Ayon. Wala lang. Wala ng laman yung blog ko. Buti nakapaglog in pa ako sa PC na to. May topak yung time. Buti kay talino kong bata. Nakapag log in kahit hindi ayos yung time [dati naman kasi, pwede. Eh nagbago ng ‘interface’ tong si pareng tumblr]. 

HAPPY BIRTHDAY, TATAY! :) 


mula sa pinakamaganda mong anak. ahem. ako lang naman babae mong anak,

- Thea

  1. polaris-kirsten posted this